^

PSN Palaro

Sinu-sino ang makukuha?

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Bukod sa mga aspiran­te para sa 2011 PBA Rookie Draft, aabangan rin ang ilang palitan ng mga pla­yers at pati na mga head coaches ngayong hapon sa Robinson’s Place sa Ermita, Manila.

Kabilang sa mga nasa­sangkot ay sina Alaska mentor Tim Cone at Dondon Hontiveros ng Barako Bull, ipinalit sa pangalan ng Air21.

Si Cone, nagbigay sa Aces ng Grandslam noong 1998, ay nililigawan ng isang koponan, samanta­lang pinupuntirya naman ng Petron Blaze si Hontiveros na hindi pa nabibigyan ng kontrata ng Barako Bull.

Ang Powerade ang maghihirang sa No. 1 over­all pick sa first round kasunod ang Rain or Shine (No. 2), Barako Bull (No. 3), Powerade (No. 4), Shopinas (No. 5), Alaska (No. 6), Talk ‘N Text (No.7), Petron Blaze (No. 8), Barangay Ginebra (No. 9) at Barako Bull (No. 10).

Sa second round, ang Shopinas (No. 11) ang unang huhugot bago ang Talk ‘N Text (No. 12), Alaska (No. 13, 14 at 15), B-Meg (No. 16), Alaska (No. 17), Ginebra (No. 18), Barako (No. 19 at 20) at Talk ‘N Text (No. 21).

Tanging ang Meralco ang walang draft pick nga­yong taon dahil naipamigay na nila ito sa kanilang mga nakaraang trades.

Sa kabuuang 34 aplikante, ang pangalan ni da­­ting La Salle Green Archers at Smart Gilas Pilipinas shooting guard JV Casio ang matunog na kukunin ng Tigers bilang top overall pick, habang inaaba­ngan naman ng Boosters, tinalo ang Tropang Texters sa nakaraang 2011 PBA Go­vernors Cup, si dating University of the East Red Warrior gunner Paul Lee.  

Maaari namang ipagpalit ng Clickers ni Franz Pumaren ang kanilang fifth overall pick upang makahugot ng player sa Llamados.

“Before the draft ilalabas na namin kung sino ang kukunin namin sa B-Meg,” wika ni Pumaren sa magi­ging hakbang ng Shopinas, ang ikalawang koponan ng Bert Lina Group of Companies bukod sa Barako.

Bukod kina Casio at Lee, ang iba pang inaasahang makukuha sa first round ay sina Smart Gilas players Marcio Lassiter, Chris Lutz, Mac Baracael, Mark Barroca, Jason Ballesteros at Dylan Ababou.

Nasa listahan rin sina PBA D-League MVP Allein Maliksi, Erik Salamat ng UAAP Grandslam champions Ateneo Blue Eagles, 6-foot-5 ½ Reil Cervantes ng Far Eastern University, 6’3 ¼ Ariel Mepana, 6’3 ¼ Ken Acibar at 6’7 Magi Sison ng University of the Philippines.

 Posible ring umagaw ng eksena si Fil-Am guard Julius Pasculado, naglaro sa Wilbur Wright College.

vuukle comment

ALLEIN MALIKSI

ANG POWERADE

ARIEL MEPANA

ATENEO BLUE EAGLES

B-MEG

BARAKO BULL

N TEXT

PETRON BLAZE

SHOPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with