MANILA, Philippines - Naniniwala ang isang pamosong boxing analyst na sa kanilang ikatlong banggaan na mahihirapan si Manny Pacquiao kay Juan Manuel Marquez.
Ito ay sa kabila ng pagiging 37-anyos ni Marquez kumpara sa 32-anyos na si Pacquiao.
“Maybe, Marquez is getting old after all this tear-and-wear, maybe he is starting to get too slow, maybe he gets caught too easy. But one thing is no ‘maybe’ – how he’s gonna act. And he’s gonna act like a damn warrior, like a champion, like a fighter,” sabi ni Teddy Atlas sa panayam ng Boxingscene.com.
Nakatakdang idepensa ni Pacquiao, may 53-3-2 win-loss-draw ring record kasama ang 38 KOs, ang kanyang hawak na WBO welterweight belt laban kay Marquez (53-5-1, 39 KOs) sa Nobyembre 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Isang draw ang nailusot ni Marquez sa kanilang unang pagtatagpo ni Pacquiao noong Mayo ng 2004 sa kabila ng tatlong beses na pagbagsak sa first round.
Inagawan naman ni Pacquiao ng WBC super featherweight belt si Marquez sa kanilang rematch via split decision noong Hunyo ng 2008.
“I think no matter what, he is forty years old or he is in ninety years old, in the middle of the winter or in the middle of the summer, Marquez will always give Pacquiao a tough fight,” ani Atlas sa Mexican warrior.
“His style, his talent will make it a tough, a very tough fight for Pacquiao,” dagdag pa ng boxing analyst.