^

PSN Palaro

Pumaren Balik-PBA

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Ikinatuwa ni Petron Bla­ze coach Ato Agustin ang pagbabalik ni Franz Puma­ren sa Philippine Basketball Association (PBA) bilang mentor ng Shopinas, dating Barako Bull.

“I'm happy for him kasi magkasama kami niyan sa San Miguel at okay na ka­sama si Franz,” sabi ni Agustin, gumiya sa Boos­ters sa paghahari sa nakaraang 2011 PBA Governors Cup laban sa Talk 'N Text Tropang Texters.

Si Pumaren ang nagbi­gay sa La Salle Green Archers ng anim na kampeonato sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) mula sa kanyang 12 taon sa bench.

“Noong coach pa ako sa college (San Sebastian College) palagi ka­ming nag-uusap ni Franz. Nagse-share kami ng mga inputs about sa mga res­pective teams namin sa NCAA at UAAP,” wika ni Agustin kay Puma­ren na nakasama niya sa Grandslam team ng San Miguel noong 1989.

Tumayo rin si Pumaren bilang playing assistant coach sa Mobiline at assis­tant coach sa Pop Cola at Sta. Lucia Realty.

Bilang isang PBA pla­yer, naglaro ang 48-anyos na si Pumaren para sa San Miguel at Mobiline sa loob ng pinagsamang 12 seasons hanggang 1997 at nagtala ng average na 7.4 points sa 531 games. 

Para sa darating na 20­11 PBA Rookie Draft sa Linggo sa Robinson's Place sa Ermita, Manila, gagamitin ng Clickers, monicker ng Shopinas, ang kanilang No. 5 pick kay JV Casio ng Smart Gilas Pilipinas.

Bukod kay Casio, plano rin ni Pumaren na hugutin ang mga dating Green Archers na sina Ren-Ren Ritualo, Jr. at Don Allado.

Hawak pa rin ng Shopinas mula sa Barako Bull ang mga karapatan kina Jojo Duncil at Paolo Hubal­de, mga miyembro ng Petron Blaze na nagkam­peon sa 2011 PBA Governors Cup, Ken Bono, Marvin Cruz at Mark Andaya.

AGUSTIN

ATO AGUSTIN

BARAKO BULL

CASIO

DON ALLADO

FRANZ PUMA

GOVERNORS CUP

PUMAREN

SAN MIGUEL

SHOPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with