MANILA, Philippines - Dinomina ni Randy Paronda ng Straight Shooter Gun Club ang Expert Rifleman Semi-Auto division sa Small Bore Rifle (.22) competition ng 2011 Sniper Shooting Competition na idinaos sa Taytay Tactical Rifle Range sa Rizal.
Nagtala ang 39-anyos na si Paronda ng bilis na 39.76 segundo sa five-stage event para maging pinakamabilis na small bore rifle shooter sa bansa.
Nakumpleto niya ang target sa Stage 3 sa tiyempong 3.52 segundo na nagpahanga kay Philippine National Shooting Association (PNSA) president at Harbour Centre CEO Mikee Romero.
Sasabak si Paronda sa High-Powered Rifle Competition sa Sabado at Linggo at makakasabayan niya ang elite units ng Philippine Marine Corps at Philippine Army bukod pa sa mga top civilian shooters.
Naghari rin si Paronda sa Expert Rifleman Bolt Action division sa kanyang oras na 63.13 segundo para talunin sina Celestino de Leon at Lester Carigo.
Ang iba pang nagwagi ay sina Oliver Jameiro (Sharpshooter Semi-Auto), Eli Canivel (Sharpshooter Bolt Action), Dennis Melchor (Marksman Semi-Auto), Kyle Carigo (Marksman Bolt Action) at Luis Gonzales (Seniors).