AMA tatlong beses tinalo ang St. Clare

MANILA, Philippines - Nagposte ng tatlong panalo ang AMA Computer University laban sa St. Clare College-Caloocan sa NA­ASCU basketball tournament sa UM gym sa Gastambide, Manila.

Humataw si dating UST mainstay Mark Mangalindan ng 15 points at 10 rebounds para pangunahan ang Titans sa 72-66 paggiba sa Saints sa men’s division.

Nagdagdag si Raymark Matias ng 14 points para sa Titans, may 2-2 baraha, kasunod ang tig-10 nina Mac Avellana at Jonathan Ibarra.

Binanderahan ni Mati Gil ang St. Clare (1-3) sa kanyang 19 points, habang may 18 si Dennis Santos.

Binigo naman ng Young Titans ang Baby Saints, 80-74, sa junior division.

Sumandig ang Young Titans sa 21 markers ni Ermido Discipulo, 15 ni Jefferson Arceo at 10 ni Michael Favis para talunin ang Baby Saints.

Pinadapa naman ng Lady Titans ang Lady Saints, 71-61, sa women’s class.

Show comments