Lady Archers ginitla ang Tigresses sa 74th UAAP women's basketball

MANILA, Philippines - Humigpit ang labanan sa 74th UAAP women’s bas­ketball tournament nang ipalasap ng De La Salle ang ikalawang sunod na kabiguan ng UST, 51-49, sa Araneta Coliseum.

Gumawa ng tig-12 puntos sina Aracelie Abaca at Hannah Viterbo, habang may 11 si Trisha Piatos pa­ra sa Lady Archers.

Nakatulong rin para sa La Salle ang 17 rebounds na ginawa ni Kady Wilson upang masungkit ang ka­nilang 6-3 rekord.

Si Paula Bombeo ay may­ 10 puntos sa panig ng UST.

Dahil dito, nalaglag ang Tigresses, winalis ang first round, sa 7-2 karta at kasalo ang Adamson at FEU sa liderato matapos magsipa­nalo ang Lady Falcons at Lady Tamaraws.

Humugot ng 21 puntos at 10 rebounds si Snow Penaranda para pangunahan ang Adamson sa 75-42 pagdurog sa UP, habang na­nalo ang FEU sa National University, 83-60.

Ang host Ateneo ay pa­laban pa rin sa puwesto sa Final Four nang kunin ang ikalimang panalo sa si­yam na laro laban sa UE, 61-57.

Show comments