10TH win nasuwag ng San Sebastian Stags
MANILA, Philippines - Gumawa ng mga personal records sina Calvin Abueva at Ian Sangalang para katampukan ang 99-63 paglampaso ng San Sebastian College sa Emilio Aguinaldo College sa second round ng 87th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.
May 34 puntos si Abueva bukod pa sa 14 rebounds, 6 assists at 1 steal, habang may 25 rebounds kasama ang 15 offensive si Sangalang bukod pa sa kanyang 18 puntos para pamunuan ang Stags na may 10-0 record ngayon.
“We were coming off a big win against San Beda and I don’t want to fall into the trap of being complacent because we’re facing EAC. I challenge them mentally that we should be the one who should be pressured because we are alone on top and the rest of the teams what to see us go down in defeat,” wika ni SSC rookie coach Topex Robinson.
May 3-7 baraha naman ang EAC.
Mula sa 30-27 kalamangan ay nagtulong sina Abueva at Sangalang para ilayo ang lumayo Stags laban sa Generals, 45-30, sa halftime.
Isa ang 13-0 bomba, kasama ang 7 marka ni Abueva, ang nagbigay sa SSC ng 58-30 abante laban sa EAC.
Tinalo naman ng nagdedepensang San Beda ang host University of Perpetual Help System Dalta sa unang laro, 69-55.
Galing ang San Beda sa pagkatalo sa SSC, 68-70, na tumapos sa kanilang 26-game winning streak.
Pero maalab ang kanilang panimula nang hawakan ang 33-19 bentahe sa first half.
- Latest
- Trending