Starmen, Duraville umiskor ng panalo sa MBL
MANILA, Philippines - Umiskor ng magkahiwalay na panalo ang Star Group of Publications at Duraville Realty sa elimination round ng 2011 MBL Corporate Cup basketball championship sa San Andres gym sa Malate, Manila.
Bumangon ang Star mula sa isang 11-point deficit sa first half sa Gerry’s Grill-PGA Cars bago itakas ang 70-67 panalo, samantalang iginupo naman ng Duraville ang Makati Medical Center, 90-82, sa single-round tournament na suportado ng Ironcon Builders, Cebuana Lhuillier, WG Diners, Big Banners Tarpaulin at PRC Couriers.
Nagtala si dating University of the East standout Cris Corbin ng 18 points, kasama rito ang isang krusyal na three-point play para sa 2-1 rekord ng Starmen ni head coach Alfred Bartolome at team manager Mike Maneze.
Nagdagdag si Ver Roque ng 9 points kasunod ang tig-8 nina Randel Reducto at Gio Coquilla.
Umiskor si dating PATTS standout Rene Boy Banzali ng 19 points para sa Gerry's Grill sa itaas ng 13 ni King Imfortante at 10 ni Alwyn Cabonce.
Umasa naman ang Duraville sa 33 markers ni 6-foot-5 Fil-Am import Mark Anthony Cuevas para talunin ang Makati Med at kunin ang 1-1 baraha matapos matalo sa 100plus.
Star Group 70 -- Corbin 18, Roque 9, Reducto 8, Coquila 8, Bondoc 7, Rodriguez 6, Reyes 4, Ortega 4, Tabang 4, Martinez 2, Geocada 0, Sangalang 0.
Gerry's Grill 67 -- Banzali 19, Infortante 13, Cabonce 10, Manalili 8, M.Sia 7, Ricafranca 5, Godfried 3, Coyuito 2, Ngo 0, G.Sia 0.
Quarterscores: 14-24, 28-39, 44-50, 70-67.
- Latest
- Trending