Abueva lider sa MVP race
MANILA, Philippines - Namumuro si Calvin Abueva para sa pinakamataas na individual award sa 87th NCAA men’s basketball nang pangunahan niya ang statistical points matapos ang first round.
Ang 6’3 na si Abueva na naghahatid ng 20.6 puntos, 11.6 rebounds at 4.8 assists ay kumulekta na ng 59 statistical points para manguna sa MVP race laban sa kakamping si Ian Sangalang.
Ang 6’6 na si Sangalang ay nakalikom ng 54.4 SP sa ibinigay na 16.6 points, 10.1 rebounds at 2.8 blocks sa siyam na laro na kung saan winalis ng Stags ang mga katunggali sa unang ikutan.
Dalawang Letran players na sina Raymond Almazan at Jamieson Cortes ang nakasunod sa MVP race bago nalagay sa ikalimang puwesto si Ronald Pascual na isa sa tatlong kamador ng San Sebastian.
May 8.4 puntos, 10.8 rebounds at 3.4 blocks ang 6’7 na si Almazan para makalikom ng 47.2 SP habang si Cortes ay may 46.6 SP sa kanyang 12.3 points, 12 rebounds at 1.2 assists.
Si Pascual na naghahatid ng 19.1 points, 5.2 rebounds, 2.9 assists ay may 46.1 SP.
Sina Garvo Lanete ng San Beda at Kevin Alas ng Letran ay magkasalo sa sumunod na dalawang puwesto sa 45.1 SP habang sina David Marcelo (44.3), at Jake Pascual (43.1) ng San Beda at Allan Santos ng Lyceum (40.6) ang kukumpleto sa top 10 sa talaan.
- Latest
- Trending