MANILA, Philippines - Humirit pa ng pag-asa ang Tropang Texters para sa inaasam na Grandslam crown bukas sa Game Seven.
Pinaglaro ang may MCL (medial collateral ligament) injury na si Jayson Castro at ibinalik ang dating import na si Maurice Baker, pinulbos ng Talk ‘N Text ang Petron Blaze, 104-78, sa krusyal na Game Six para itabla ang kanilang best-of-seven championship series sa 3-3 sa 2011 PBA Governors Cup kagabi sa Araneta Coliseum.
Mula sa 55-43 lamang sa halftime, ipinoste ng Tropang Texters ang isang 21-point lead sa third period upang makabangon sa kanilang dalawang sunod na kabiguan sa Boosters sa Game Four (83-105) at Game Five (80-93).
Isang 16-7 atake ang ginawa nina Castro, Baker at Kelly Williams na nagbigay sa Talk ‘N Text ng 71-50 bentahe sa 4:25 ng third quarter hanggang palobohin ito sa isang 28-point advantage, 92-64, kontra Petron sa 6:28 ng final canto buhat sa isang tip in ni Harvey Carey.
“All we did was tie the series. We came into this game wanting to win,” sabi ni coach Chot Reyes. “I think tonight we came out with a lot of energy and we’ll see on Sunday.”
Nagtala si Castro ng 19 points, kasama rito ang 4-of-4 shooting sa three-point arc, 9 rebounds at 1 assist para sa Tropang Texters sa ilalim ng 21 markers ni De Ocampo kasunod ang 18 ni Baker at 16 ni Alapag, humugot ng 11 sa fourth quarter.
“Masakit, pero hindi ko na iniisip ‘yung masakit eh, inisip ko lang ‘yung game,” wika ng 5-foot-9 na si Castro. “Kaya ko naman maglaro sa Game Seven.
Sa first half, umiskor si Castro ng 13 points, tampok ang perpektong 3-of-3 shooting sa three-point range at 2-of-2 clip sa two-point line, para 31-23 bentahe ng Talk ‘N Text sa Petron sa first period.
Talk ‘N Text 104 - De Ocampo 21, Castro 19, Baker 18, Alapag 16, Carey 8, Williams 7 , Peek 6, Dillinger 3, Reyes 3, Fonacier 3, Aban 0, Alvarez 0, Lao 0.
Petron 78 - Santos 19, Ildefonso 14, Miranda 12, Guevarra 11, Grundy 5, Cabagnot 5, Salvacion 5, Pennisi 5, Baclao 1, Hubalde 1, Duncil 0.
Quarterscores: 31-23; 55-43; 78-58; 104-78.