4 gold sa DPS jins
MANILA, Philippines - Apat na gintong medalya ang sinikwat ng Diliman Preparatory School (DPS) Taekwondo Jins sa katatapos na NCR Milo Little Olympics sa Ninoy Aquino Stadium, Rizal Sports Complex, Manila.
Nag-uwi ng gintong medalya sina Jana Lyde Razon, Silver Janin Keith Marcaida, Amber Acosta, at Miguel Morales sa qualifying meet para sa National Milo Little Olympics sa Nobyembre sa Lingayen, Pangasinan.
Nakakuha naman ng bronze sina Renzo Toleos, Averie Belsonda, at Francis Guevarra.
Dalawang araw bago ito, nagwagi naman ang DPS Taekwondo Grade School Team sa hindi pa natatalong Lourdes School of Quezon City na nagdala sa koponan sa overall lead sa First Philippine Taekwondo League. Ang mga miyembro ng koponan na sina Renzo Toleos, Gabby Lamarca, Jay Ar Alombro, Francis Guevarra at Jerome De Guzman ay nagbigay sa team ng 6-0 karta.
- Latest
- Trending