^

PSN Palaro

POC nanindigan sa 'di pagkilala sa PDBF

-

MANILA, Philippines - Sa pagdinig ng Youth and Sports Development Committee, sinabi ni POC Sec. Gen. Mark Joseph na ang pag-itsapwera sa PDBF bilang sports association ay salig lamang sa kanilang charter.

Ang kinikilala umano bi­lang sports association ay ang Philippine Canoe-Kayak Federation kung sa­an nabibilang umano ang discipline ng dragon boat na sinang-ayunan naman ni POC president Jose ‘Peping’ Cojuangco.

Ayon naman kay POC chairman Monico Puen­tevella, dapat ipagpasalamat pa ng PDBF ang nangyari dito dahil sa kabila ng kawalan ng suporta ng PSC at POC ay sobra-sobrang tribute ang natikman ng grupo at nabig­yan ito ng parangal, monetary reward, at nakapasok pa ng Malakanyang.

Sinabi pa ng kongresista na umabot ng P55 milyon ang suporta nila sa dragon boat team hanggang nitong 2010 at nananalo pa rin naman sa competition pero hindi nabigyan ng tamang pagkilala.

Samantala, kung mayroon mang per­sonalidad na kinainisan si Cojuangco, Jr. sa idinaos na hearing ng House Com­mittee on Youth and Sports kaugnay sa isyu sa (PDBF) ito ay si dating Rep. Leo­nardo Montemayor ng ABA-Party List.

“Lahat dito ay gumaga­wa ng paraan para magkaroon ng reconciliation, maayos ang mga proble­ma, gumagawa ng reso­lution,” ani Cojuangco. Sinabi ni Montemayor na gumamit si dating national equestrianne Mikee Cojuangco, anak ni Cojuangco, ng steroid para manalo sa kanyang individual showjumping event para sa gold medal sa 2002 Asian Games sa Busan, Korea.

At ito ang labis na ikina­galit sa kanya ni Peping.

Si Montemayor ay si­ner­munan naman nina House Committee on Youth and Sports chairman Rep. Renato Unico at Manila Rep. Amado Bagatsing dahil sa kanyang paninira kay Mikee. (Gemma Garcia/Russell Cadayona)

AMADO BAGATSING

ASIAN GAMES

COJUANGCO

GEMMA GARCIA

HOUSE COM

HOUSE COMMITTEE

MANILA REP

MARK JOSEPH

SHY

YOUTH AND SPORTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with