^

PSN Palaro

Perpetual kakana ng krusyal na panalo sa Navy

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Nakasalalay sa kani­lang panalo at kabiguan ng Maynilad ang kapalaran ng Perpetual Help para sa quarterfinal round ng Shakey’s V-League Open Conference.

Determinadong manalo para makakuha ng isang play­off seat, sasagupain ng Perpetual ang Philippine Navy ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang salpukan ng Philippine Army at San Sebastian College sa alas-4 sa The Arena sa San Juan.

Sa huling laro sa alas-6 ng gabi, magtatagpo naman ang Maynilad at Philippine Air Force.

Tangan ng Army ang ma­linis na 6-0 rekord kasunod ang San Sebastian (4-1), Navy (4-1), Air Force (2-3), Ateneo De Manila University (2-4), Maynilad (1-4) at Perpetual (0-5).

Sakaling manaig ang Lady Altas sa Lady Sailors at matatalo naman ang Water Dragons sa Air Force spikers ay maitatakda ang isang playoff game sa pagitan ng Perpetual at Maynilad para sa pang anim at huling quarterfinals berth.

Sina Honey Tubino, Sandra delos Santos, April Sartin, Norie Diaz, April Hingpit, Bei Argarin at Thai imports Wirawan Sattayanuchit at Piyatida Lasungnern ang gagabay sa Lady Altas kontra kina dating Most Valuable Players Nene Bautista at Suzanne Roces kasama si veteran Michelle Laborte ng Lady Sailors.

Isang tropa lamang ang mapapatalsik papunta sa quarterfinals kung saan maglalaban sa isang single round robin ang anim na koponan na magdedetermina sa mga papasok sa Final Four.

Sa Final Four, hahara­pin ng No. 1 ang No. 4 at la­labanan ng No. 2 ang 3 para sa magtatagpo sa best-of-three championship series.

Samantala, sisikapin ng Army na mawalis ang eliminasyon sa pakikipagtipan sa San Sebastian.

Pangungunahan nina Michelle at Marietta Caro­lino ang Army tossers ka­tulong sina Joanne Buñag, Mary Jean Balse, Dah­lia Cruz at Rachel Ann Daquis.  

AIR FORCE

APRIL HINGPIT

APRIL SARTIN

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

BEI ARGARIN

LADY ALTAS

LADY SAILORS

MAYNILAD

SAN SEBASTIAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with