^

PSN Palaro

Bulldogs, Maroons magpipilit umahon

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Bigyan ng init ang na­n­la­lamig na kampanya ang hangad ng FEU habang magpatuloy ang matayog na paglipad naman ang sa Adamson sa pagbabalik aksyon ng 74th UAAP men’s basketball sa Araneta Coliseum.

Makikipagsukatan muli ang Tamaraws laban sa UP sa ganap na alas-2 ng ha­pon habang ang Falcons ay babangga uli sa National University sa alas-4.

Ang Maroons at Bulldogs ay nasa ibabang bahagi ng team standings pero hindi sila puwedeng biruin ng Adamson at FEU dahil nanalo sila sa unang tagisan.

May 76-63 tagumpay ang UP sa FEU na nagpa­simula sa three-game losing streak ng huli para sa 4-4 karta habang 63-56 naman ang hinirit ng NU sa Adamson sa unang labanan.

Kakailanganin ni FEU coach Bert Flores ng solidong numero sa mga inaasahan lalo nga’t ang UP ay may psychological advantage at tiyak na gagawin ang lahat para manalo at ma­pag-ibayo ang kasaluku­yang 2-6 baraha.

Maliban sa pagbawi, ang makukuhang panalo ng tropa ni coach Leo Austria ay maglalapit sa hanga­ring makamit ang isa sa mangungunang dalawang puwesto na magtataglay ng twice to beat advantage.

vuukle comment

ADAMSON

ANG MAROONS

ARANETA COLISEUM

BERT FLORES

BIGYAN

KAKAILANGANIN

LEO AUSTRIA

MAKIKIPAGSUKATAN

NATIONAL UNIVERSITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with