MANILA, Philippines - Nakatulong pa sa College of St. Benilde ang pagkakatalsik sa laro ng kanilang back-up center na si Jan Tan upang kunin ang 80-68 panalo laban sa Emilio Aguinaldo College sa 87th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.
May 17 puntos at 12 rebounds si Jonathan Grey, 12 puntos pa si Mark Romero habang 10 naman ang inihatid ni Carlo Lastimosa para sa Blazers na ginamit ang running game upang tapusin ang first round tangan ang 4-5 karta at makatabla sa ikaapat na puwesto kasalo ang pahingang Lyceum.
“Ginamit ng mga bata ang pagkaka-eject ni Jan para mas uminit ang kanilang laro. Lumiit man kami ay nakatakbo naman,” wika ni Blazers coach Richard Del Rosario.
Napatalsik sina Tan at Josh Paguia nang magsiku-han para sa fragrant foul penalty two at sila ay awtomatikong hindi makakalaro sa pagbubukas ng kampanya ng kanilang koponan sa second round.
Sa ikatlong yugto kumalas ang St. Benilde nang kunin ang quarter sa 21-10 at makaabante ng 19 puntos, sa 61-42 iskor.
May 22 puntos, 10 rebounds at 4 blocks si Claude Cubo para sa Generals na nalaglag sa 3-6 baraha.
Naisakatuparan naman ng Arellano ang hangaring magkaroon ng winning streak papasok sa second round sa pamamagitan ng 71-65 panalo sa host University of Perpetual Help System Dalta.
May 3-6 karta ngayon ang Chiefs habang ang Altas ay may 1-8 baraha para mangulelat sa 10 koponan.
St. Benilde 80- Grey 17, Romero 12, Lastimosa 10, Taha 9, Tan 8, Altamirano 7, McCoy 7, Sinco 4, dela Paz 4, Deles 2, de Guzman 0, Nayve 0
EAC 68- Cubo 22, Torralba 16, Jamon 16, Yaya 5, Chiong 4, Vargas 3, Morada 2, Paguia 0, Villegas 0, Sanchez 0
Quarterscores: 18-11; 40-32; 61-42; 80-68
Arellano U 71- Celada 23, Zulueta 17, Doligon 8, Acidre 8, Lapuz 7, Caperal 4, Palma 2, Casino 2, Okpe 0
Perpetual 65- Vidal 13, Alano 13, Paulino 10, Arboleda 8, Asuncion 7, Elopre 6, Sumera 4, Sison 4, Thompson 0, Parico 0
Quarterscores: 13-10; 33-29; 55-47; 71-65