MANILA, Philippines - Pinaliguan si Paris Hilton ng mga regalo at hinahinan ng pinakamasarap na steak sa isang exclusive dinner na pinangunahan ni boxing icon Manny Pacquiao para sa Hollywood socialite noong Martes.
“We gave her Team Pacquiao shirts, Chanel make-up and lipsticks, and Manny Pacquiao figurines,” sabi ni Jinkee Pacquiao, asawa ng fighting congressman.
Humigit sa 20 bisita ang umokopa sa tatlong lamesa sa isa sa mga restaurants ng Makati Shangri-La Hotel, at naging maganda ang gabi ng nasabing reality TV star at hotel heiress.
“Had so much fun last night,” wika ni Paris sa kanyang twitter account na may higit sa 4.5 million followers.
“Love this pic from tonight of me with Manny and Jinkee Pacquiao. What an amazing couple they are! Love them! :),” dagdag pa niya.
Naging maningning rin si Jinkee habang katabi si Paris sa nasabing three-hour dinner na dinaluhan rin ng mga matalik na kabigan ni Pacquiao.