^

PSN Palaro

POC, PSC gigisahin sa Kongreso

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Nagtakda ang House Committee on Youth and Sports ng isang pulong bukas sa hanay ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC) at mga National Sports Associations (NSAs).

Sinabi kahapon ni Manila Rep. Amado Bagatsing na inaasahan ring matatalakay ang nangyari sa Dragon Warriors ng Philippine Dragon Boat Federation (PDBF) na hindi binigyan ng suporta ng PSC at POC nang sumabak sa nakaraang 10th International Dragon Boat Championships sa Tampa, Florida.

Sa kabila nito, nag-uwi pa rin ang koponan ng limang gold at dalawang silver medals sa nasabing kompetis­yon.

 “May ibang naka-agenda, but the idea is to convey the message sa lahat ng mga NSAs kung paano sila matutulungan ng PSC at kami sa Kongreso ay paano naman susuporta,” wika ni Bagatsing.

Si Bagatsing ang nanguna sa 258 Congressman sa pag­bibigay ng tig-P5,000 sa mga miyembro ng Dragon Warriors.

 Bu­misita rin ang Dragon Warrios sa Kongreso kamakalawa matapos magtungo sa Malacañang sa kanilang pagdating sa bansa noong Biyernes para sa courtesy call kay Pangulong Noynoy Aquino.

Gusto ni Presidente Aquino na malaman kung bakit hindi nabigyan ng sports commission ng tulong ang Dragon Warriors nang sumabak sa torneo sa Tampa, Florida.

Ang PDBF ay tinanggal ng POC matapos pumalag sa direktiba ng International Olympic Committee (IOC) na sumanib sa Philippine Canoe/Kayak Federation (PCKF).

AMADO BAGATSING

DRAGON BOAT CHAMPIONSHIPS

DRAGON BOAT FEDERATION

DRAGON WARRIORS

DRAGON WARRIOS

HOUSE COMMITTEE

INTERNATIONAL OLYMPIC COMMITTEE

KAYAK FEDERATION

KONGRESO

MANILA REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with