PSC kinondena ni Sen. Trillanes
MANILA, Philippines - Tinuligsa kahapon ni Sen. Antonio Trillanes, pangulo ng Basketball Association of the Philippines (BAP), ang Philippine Sports Commission (PSC) dahil sa hindi nito pagsuporta sa kanila sa 26th Summer Universiade sa Shenzhen, China.
Ang nasabing sports event na nagsimula noong Agosto 12 at matatapos sa Agosto 23 ay dinaluhan ni China President Hu Jintao.
“I was informed by FESSAP President David Ong that “zero” ang suporta ng PSC dito dahil talagang napakagandang event ito at magandang exposure ito sa mga athletes natin in preparations for the bigger events,” ani Trillanes.
Ayon sa Senador, ito ang unang pagkakataon na lumahok ang bansa sa Universiade, bahagi ng mini Olympic University Games na sinalihan ng halos 8,000 student/athletes mula sa 155 bansa.
Dumating si Trillanes mula sa Zhenzhen via Hong Kong sakay ng Philippine Airlines flight PR 307 kasama ang mga opisyales ng Federation of School Sports Association of the Philippines (FESSAP) na sina president David Ong, Jean Monteverde (treasurer), Col. Ariel Quirobin (adviser) at Richard Ang (FESSAP member at official interpreter).
Idaraos ang susunod na Universiade sa Russia sa 2013 kasunod ang South Korea sa 2015.
Ang FESSAP ay kinatawan ng all-Cebu team sa likod ng 63rd National Students Championship titlist University of Cebu (UC) at Cebu Schools Athletic Foundation Inc (CESSAFI).
- Latest
- Trending