^

PSN Palaro

Lyceum sumabog sa JRU

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Nagkalat ng 23 puntos kasama ang limang tres habang mga krusyal plays naman ang ibinigay nina Jeckster Apinan at Alex Almario para mawakasan ng Jose Rizal University ang tatlong sunod na kabiguan gamit ang 74-68 panalo sa Lyceum sa 87th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Ang magkasunod na tres ni Matute na galing sa groin injury, ang nagbigay sa Heavy Bombers ng 67-62 kalamangan may 2:16 sa laro.

Nakalapit pa ang Pira­tes sa four of six shooting sa 15-footline nina Floricel Guevarra at Chris Cayabyab para sa 68-66, bago nag-takeover sina Almario at Apinan.

Isang layup at dalawang freethrows ang ginawa ni Almario habang dalawang steals at dalawang splits sa freethrow line ang ibinigay ni Apinan para sa 74-66 ben­tahe.

“Sa mga nakaraang talo namin ay lagi kaming outplayed sa fourth period. Ngayon ay nakitaan sila ng katatagan lalo na sa mental side,” wika ni Heavy Bom­bers coach Vergel Meneses na mayroon ngayong 3-5 karta.

May tig-21 puntos sina Guevarra at Cayabyab pero nalimitahan lamang sa pitong puntos, kasama ang 1 of 10 shooting si Allan San­tos para tapusin ng guest team ang first round elimination tangan ang 4-5 baraha.

Tumapos naman sina Josan Nimes at Allan Mangahas taglay ang pinagsamang 32 puntos habang dalawang tres naman ang ginawa ni Jonathan Banal sa huling yugto para mangi­babaw ang Mapua sa host Perpetual Help, 65-63.

Ang dalawang tres ni Banal ay nakatulong para hawakan ng Cardinals ang 57-47 kalamangan bago pi­nawi ang rally ng Altas ga­mit ang kanilang depensa para kunin ng tropa ni coach Chito Victolero ang ikatlong panalo sa siyam na laro.

“Nag-struggle man kami ay tinapos naman namin ang first round sa panalo na magagamit namin para sa second round,” wika ni Victolero.

vuukle comment

ALEX ALMARIO

ALLAN MANGAHAS

ALLAN SAN

ALMARIO

APINAN

CHITO VICTOLERO

CHRIS CAYABYAB

FLORICEL GUEVARRA

HEAVY BOM

PARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with