CHINESE TAIPEI--Ibinuhos ng Smart Gilas ang kanilang matinding paghihiganti mula sa natamong kahihiyan sa reigning back-to-back champion Iran sa pangunguna ng 7’2 na si Hamed Haddadi, sa host team matapos ang 82-72 pananaig kagabi at isubi ang 3rd place sa pagtatapos ng William Jones Cup sa Hsinjhuang Stadium sa New Taipei City dito.
Nanalasa ang 6’10 naturalized na si Marcus Douthit, hindi nakaporma kay Hamed kung saan nalasap ng Nationals ang 78-59 pagkatalo kamakalawa na siyang gumiba sa kanilang pag-asa para mapasabak sa finals, ng 28 puntos, tampok rito ang 12-of-18 shooting mula sa field, bago naglabas ng mahusay na depensa sa paglista ng 11 boards na siyang sumelyo sa best finish ng Philippines mula ng trangkuhan ni Chot Reyes ang koponan may apat na taon na ang nakakalipas.
Tumapos naman sina Marcio Lassiter, Dondon Hontiveros at Mark Barroca ng 16, 13 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod, na sapat na para punan ang pagkawala nina JV Casio at Chris Lutz, na na-sideline sanhi ng pamamaga ng kaliwang tuhod at kanang siko, ayon sa pagkakasunod. (Joey Villar)
Smart Gilas Pilipinas 82- Douthit 28, Lassiter 16, Hontiveros 13, Barroca 10, Baracael 5, Taulava 5, Aguilar 4, Ababou 0
Chinese Taipei 72- Chien C. 26, Chen S. 13, Su 9, Lee 6, Chen H. 4, Lu 4, Creighton 3, Chang 2, Ho 2
Quarterscores: 22-16; 43-34; 62-49; 82-72.