^

PSN Palaro

3rd place isinubi ng Smart Gilas

-

CHINESE TAIPEI--Ibi­nuhos ng Smart Gilas ang kanilang matinding paghihiganti mula sa natamong kahihiyan sa reigning back-to-back champion Iran sa pangunguna ng 7’2 na si Hamed Haddadi, sa host team matapos ang 82-72 pananaig kagabi at isubi ang 3rd place sa pagtatapos ng William Jones Cup sa Hsinjhuang Stadium sa New Taipei City dito.

Nanalasa ang 6’10 naturalized na si Marcus Douthit, hindi nakaporma kay Hamed kung saan nalasap ng Nationals ang 78-59 pagkatalo kamaka­lawa na siyang gumiba sa kanilang pag-asa para mapasabak sa finals, ng 28 puntos, tampok rito ang 12-of-18 shooting mula sa field, bago naglabas ng ma­­husay na depensa sa paglista ng 11 boards na siyang sumelyo sa best fi­nish ng Philippines mula ng trangkuhan ni Chot Reyes ang koponan may apat na taon na ang nakakalipas.

Tumapos naman sina Marcio Lassiter, Dondon Hontiveros at Mark Barroca ng 16, 13 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod, na sapat na para punan ang pagkawala nina JV Casio at Chris Lutz, na na-sideline sanhi ng pamamaga ng kaliwang tuhod at kanang siko, ayon sa pagkakasu­nod. (Joey Villar)

Smart Gilas Pilipinas 82- Douthit 28, Lassiter 16, Hontiveros 13, Barroca 10, Baracael 5, Taulava 5, Aguilar 4, Ababou 0

Chinese Taipei 72- Chien C. 26, Chen S. 13, Su 9, Lee 6, Chen H. 4, Lu 4, Creighton 3, Chang 2, Ho 2

Quarterscores: 22-16; 43-34; 62-49; 82-72.

CHEN H

CHEN S

CHIEN C

CHINESE TAIPEI

CHOT REYES

CHRIS LUTZ

DONDON HONTIVEROS

HAMED HADDADI

HSINJHUANG STADIUM

JOEY VILLAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with