Falcons, Tigers nanalasa
MANILA, Philippines - Nanumbalik ang shooting touch sa perimeter ng Adamson sa huling isang minuto ng labanan para mapigil ng Falcons na matalo matapos makapagtala ng malaking kalamangan sa 68-66 tagumpay laban sa La Salle sa 74th UAAP men’s basketball kahapon sa Araneta Coliseum kahapon.
Nilimitahan ng Falcons ang Archers sa dalawang puntos sa second para kunin ang 35-20 kalamangan bago itinala ang pinakamalaking bentahe sa laro na 22 puntos, 52-30, sa nakumpletong 3-point play ni Eric Camson.
Pero nanganib pa ang tropa ni coach Leo Austria nang nagpakawala ng 20-4 bomba ang Archers na winakasan ng dalawang tres ni Almond Vosotros upang ang 60-43 kampanteng kalamangan ay naging 64-63, may 57 segundo sa orasan.
Ngunit naipasok ni Camson, may 20 puntos sa laro, ang turn-around jumper at kahit naitabla ni Luigi Dela Paz ang laro sa 66-all sa kanyang tres, nalusutan naman ni Nuyles ang depensa ni Jarelan Tampus at Maui Villanueva tungo sa jumper at dalawang puntos bentahe may .8 segundo sa orasan.
Tinapos ni Nuyles ang pagbibida nang matapik ang bola sa kamay ni Dela Paz para mapatatag ang Falcons sa ikalawang puwesto sa 6-2 baraha.
Naghatid naman ng 10 puntos si Jeric Fortuna kasama ang drive sa huling 36.8 segundo upang katampukan ang 77-70 panalo ng UST sa UP sa unang bakbakan.
May 15 puntos sa laro si Fortuna at ang drive na ito ay nagbigay ng 75-67 lamang sa koponan. (AT)
Adamson 68--Camson 20, Nuyles 14, Alvarez 14, Brondial 6, Lozada 6, Cabrera 5, Colina 2, Manyara 1.
La Salle 66--Vosotros 18, Dela Paz 11, Torres 10, Van Opstal 6,Tampus 6, Villanueva 6, Marata 3, Revilla 2, Paredes 2, Andrada 2, Sara 0.
Quarterscores: 11-18, 35-20, 56-39, 68-66
- Latest
- Trending