Alapag MVP, Hussaini ROY
MANILA, Philippines - Tinanghal si Jimmy Alapag ng Talk N Text bilang 2010-2011 PBA Most Valuable Player kagabi sa Araneta Coliseum.
Humakot ang Fil-Am guard ng kabuuang 1,888 votes para sa kanyang unang PBA MVP award.
“Growing up I always looked up to guys like Ricky Brown, who set the bar for the Fil-Ams, Hector Calma, Ronnie Magsanoc,” ani Alapag na nasa kanyang pang-siyam na taon sa PBA.
Ang pag-angkin ng Tropang Texters sa Grandslam ang kukumpleto sa taon nila Alapag.
Tinalo ng 5-foot-8 na si Alapag sina Mark Caguioa ng Barangay Ginebra, Arwind Santos ng Petron Blaze, Sonny Thoss ng Alaska at ang kanyang kakamping si Kelly Williams.
Sina Alapag, Williams, Caguioa, Santos at Thoss ay kasama sa first Mythical team.
Nasa second Mythical squad naman sina Jayson Castro at Ali Peek ng Talk N Text, James Yap at Joe Devance ng B-Meg at Jay Washington ng Petron.
Kinilala naman si 6-foot-6 Rabeh Al-Hussaini ng Petron bilang Rookie of the Year sa kanyang nakuhang 4,256 votes.
Si Castro ang hinirang na Most Improved Player of the Year.
- Latest
- Trending