^

PSN Palaro

Lady Stags may tiket na sa quarters

- Ni RCadayona -

MANILA, Philippines - Kasabay ng patuloy na pag-angkin sa liderato, sinungkit naman ng San Se­bastian College ang unang quarterfinals ticket nang gibain ang Maynilad, 25-10, 25-14, 25-14, sa Shakey’s V-League Open Conference kamakalawa ng gabi sa The Arena sa San Juan.

May 4-1 baraha ngayon ang San Sebastian kasu­nod ang Philippine Army (3-0), Philippine Air Force (2-2), Philippine Navy (2-1), Ateneo De Manila University (2-3), Maynilad (1-2) at Perpetual Help (0-5).

Ito ang pangatlong dikit na arangkada ng Lady Stags matapos igupo ang Perpetual at Ateneo.

Kaagad na kinontrol ng San Sebastian ang laro matapos ang pitong puntos na inihataw nina Thai import Jang Baulee at American Lauren Ford sa first set laban sa depensa ng Maynilad.

Naglista si Baulee ng 13 kills para sa kanyang 16 points, habang tumipa si Ford ng 13 hits, kasama ang 4 blocks, at may 11 points naman si Rubie de Leon para sa Lady Stags.

May tig-7 points sina Nica Guliman at Joy Cases at 5 points si Syvie Artates para sa Maynilad, nagmula sa isang five-set win sa Perpetual.  

AMERICAN LAUREN FORD

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

JANG BAULEE

JOY CASES

LADY STAGS

MAYNILAD

NICA GULIMAN

PERPETUAL HELP

PHILIPPINE AIR FORCE

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with