Isa pang Mexican pabor kay Pacquiao

MANILA, Philippines - Taliwas sa inaasahan ng lahat, mas kinampihan ni dating world featherweight champion Robert “The Ghost” Guerrero si Filipino boxing superstar Manny Pacquiao kesa sa kanyang kababayang si Mexican Juan Manuel Marquez.

“I see Pacquiao coming up in weight, he’s done it before, and he’s been successful at it,” sabi ni Guerrero sa BoxingScene.com sa pangatlong pagdedepensa ni Pacquiao sa kanyang WBO welterweight title laban kay Marquez sa Nobyembre 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Nauwi sa draw ang unang laban nina Pacquiao at Marquez noong Mayo ng 2004 bagamat tatlong beses bumagsak ang Mexican sa first round.

Naagaw naman ng Filipino world eight-division cham­pion ang dating hawak ni Marquez na WBC super featherweight crown via split decision sa kanilang rematch noong Hunyo ng 2008.

Ayon kay Guerrero, hindi rin dapat magkumpiyansa si Pacquiao sa kanilang pangatlong laban ni Marquez.

“Marquez is always in great shape, he’s a very intelligent fighter and he knows how to make things happen; he knows how to adjust in the ring,” sabi ni Guerrero sa 37-anyos na si Marquez.

Tangan ni Pacquiao ang kanyang 53-3-2 win-loss-draw ring record kasama ang 38 KOs, habang dala ni Marquez ang kanyang 53-5-1 (39 KOs) slate.

Show comments