^

PSN Palaro

Falcons nagpakatatag sa 2nd

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Nagbaga ang mga kamay ng Adamson sa pagbuslo sa tres para tapusin ang first round elimination tangan ang 72-46 panalo sa UP sa idinaos na 74th UAAP men’s basketball kahapon sa Araneta Coliseum.

Si Alexander Nuyles ay mayroong 21 puntos kasama ang 3 of 4 shooting sa 3-point line habang apat naman ang ibinigay ni Lester Nuyles at dalawa kay Allen Etrone para magkaroon ang Falcons ng 11 tres sa 19 bulso at katampukan ang dominanteng ipinakita tungo sa pumapangalawang 5-2 karta.

“Hindi kami dapat ma-talo sa larong ito dahil kung nangyari ito ay nasayang ang mga panalo namin sa top teams. Hindi ako masaya sa rebounding namin dahil natalo kami pero maganda ang shooting namin sa 3-point line at napigil namin ang fast break points ng UP,” wika ni Falcons coach Leo Austria.

Humirit ang Maroons ng 52-32 bentahe sa rebounding kasama ang 28-9 sa offensive glass pero 10 lamang ang kanilang naiskor sa second chance at 11 fast break points lamang para malaglag sa 2-5 baraha.

Si Alvarez ay naghatid ng 16 puntos, si Eric Camson ay mayroong 11 at si Lionel Manyara ay sumupalpal ng 7 para katampukan ang tagumpay ng Adamson.

Sinandalan naman ng La Salle ang gilas ni Jarelan Tampus sa huling 14.9 segundo upang maisantabi ang paghahabol ng UST mula 23 puntos tungo sa 74-71 tagumpay sa isa pang laro.

ADAMSON

ALLEN ETRONE

ARANETA COLISEUM

ERIC CAMSON

JARELAN TAMPUS

LA SALLE

LEO AUSTRIA

LESTER NUYLES

LIONEL MANYARA

SI ALEXANDER NUYLES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with