Lahat gustong makisakay
Halos nagkakapareho ang kapalaran ng Azkals at ng Philippine Dragon Boat team.
Hindi ba’t dati ay hindi naman napapansin ang football, pero dahil sa mga tagumpay ng Azkals, lahat ngayon ay parang household item na ang Azkals.
Dati ay dedma rin ang lahat sa national dragon boat team. Halos mamalimos nga ang mga iyan para lamang makipagkompetensya, pero dahil sa nanalo sila sa katatapos na 10th International Dragon Boat Federation World Championships sa Tampa, Florida, biglang naglabasan ang mga gustong makisakay.
Hindi naman talaga pinapansin ng Philippine Olympic Committee (POC) at ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Philippine Dragon Boat Federation.Wala nga itong pondo at initsapuwera pa sa nakaraang Asian Games.
O ngayon, biglang hindi magkandatuto ang PSC kung paano mabibigyan ng insentibo ang Dragon Boat team. Iba nga naman kapag nagtagumpay, lahat gustong sumakay.
E paano kahit pa dinedma ng ilang organisasyon, sa gobyerno man at pribado, sobrang bilib si Pangulong Benigno Aquino III sa Philippine Dragon Boat Federation team na kumuha ng makasaysayang limang gold.
Sa kanyang official statement, sinabi ni Pangulong Aquino na binabati niya ang Dragon Boat team dahil sa ipinakitang lakas at disiplina ng mga ito na ayon sa kanya ay nagtataglay ng world class talents ang mga Filipino.
“Yet their achievements extend beyond the medals they have won or the records they have broken. Through their victory, our Dragon Warriors have established themselves as an inspiration to their countrymen. Their success shows us that if we work together as one country, there is no goal we cannot reach. We believe the Philippine Dragon Boat team will continue to bring honor to our country, and that they will remain a sterling example of discipline and determination to the Filipino people, as we steer the rudders of our ship of state toward communal and equitable progress,” ani Aquino.
Pagdating nga sa Biyernes ng Dragon Boat Warrios, pangungunahan pa mismo ng Malacañang ang pagbibigay ng heroe’s welcome sa Dragon Warriors.
Posibleng bigyan pa ng Presidential citation ang team dahil sa limang gold medals at dalawang silver na nakopo sa Florida.
Kumampay ng gold ang Pinoy paddlers sa men’s 500-meter race, world record (4:57) sa 1,000 men’s division, 500-m mixed event (small boat competition), mixed 200-m (small boat) at men’s 200-m. silver finish sila sa 200-m at All Co-mers 500-m.
Ngayon pa lamang ay siguradong marami na ang makakapansin sa Dragon Boat team Warriors. Dadagsa ang mga hinahangan nilang sponsorship. Yun nga lamang ay kinakailangan din na tumaas ang kalidad ng kanilang laro.
Sa Dragon Boat Team Warriors, congratulations at ituloy ninyo ang pagpapakita ng talentong tunay na Pilipino.
- Latest
- Trending