Lady Stags itataya ang liderato vs Dragons
MANILA, Philippines - Ang patuloy na paghawak sa liderato ang asam ng Lady Stags, habang pipilitin naman ng Army spikers na muling mangibabaw.
Haharapin ng San Sebastian College ang Maynilad ngayong alas-6 ng gabi matapos ang sukatan ng Philippine Army at Perpetual Help sa alas-4 ng hapon sa Shakey's V-League Open Conference sa The Arena sa San Juan.
Sa unang laro sa alas-2 maglalaban ang Ateneo De Manila University at ang Philippine Navy.
Tangan ng Lady Stags ang 3-1 rekord kasunod ang Army belles (2-0), Lady Eagles (2-2), Air Force spikers (2-2), Navy tossers (1-1), Maynilad Lady Dragons (1-1) at Lady Altas (0-4).
Ibabandera ng San Sebastian sina American Lauren Ford, ang leading scorer ng torneo mula sa kanyang 18-hit average, Thai import Jang Baulee, Joy Benito, Rubie de Leon, Jill Gustilo, Janette Doria at libero Mary Jane Pepito.
Sina guest player Joy Cases at mainstays Nica Guliman, Mervic Mangui, Beverly Boto, Margarita Pepito, Ma. Josephine Cafrance at top setter Charisse Ancheta ang aasahan naman ng Maynilad.
Sa ikalawang laro, pipilitin naman ng Army na makuha ang kanilang pangatl;ong sunod na panalo kasabay ng muling pagtangan sa liderato sa pakikipagharap sa Perpetual.
Mula sa pagbibida nina dating Most Valuable Players Mary Jean Balse at Michelle Carolino, iginupo ng Army spikers ang Navy at Air Force sa nasabing seven-team ng torneong inihahandog ng Shakey’s Pizza.
- Latest
- Trending