Gilas pisak sa Korea

MANILA, Philippines - Tinabunan ng Korea ang matinding opensa ni JV Casio, sa pagtulak sa Smart Gilas Pilipinas sa mga errors sa endgame at itakas ang 78-70 panalo kagabi upang patuloy na masolo ang liderato sa William Jones Cup sa Hsinchuang Stadium sa New Taipei City dito.

Tumapos sina Oh Se Keun, isang 6’7 power forward at Ha Seung Jin, ang ikalawang malaking manlalaro dito na may taas na 7’3, ng 19 at 16 puntos, ayon sa pagkakasunod, laban sa maliliit na defenders, na sinabayan ng pananalasa ng guard na si Yang Dong Geun sa labas sa pagtirada ng 17 puntos tampok rito ang apat na tres na siyang sumelyo sa panalo ng Koreans para sa kanilang ikalimang dikit na tagumpay.

Nagposte si Casio ng game-high 27 puntos, kabi­lang ang 15 point na pana­nalasa sa third quarter nang maibaba ng Nationals ang 12-point deficit mula sa 2 puntos bago nagtapon ng bola.

Ito ang ikalawang kabi-guan ng Nationals matapos ang tatlong panalo na naglagay sa kanila sa pakikisalo sa third spot kasama ang defending champion Iran at Jordan.

Sunod na makakasagupa ng Smart Gilas ang wala pang panalo United Arab Emirates sa alas-3 ng hapon.

Show comments