^

PSN Palaro

6 gold sa GTK Army sa 26th SEA Games

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Hindi bababa sa anim na ginto ang ibibigay ng track and field team sa 26th South East Asian Games sa Indonesia.

Sa pagdalo ng pangulo ng PATAFA na si Go Teng Kok sa PSA Forum sa Shakey’s UN Avenue kaha­pon sinabi niyang anim sa pitong gold medalist ng Laos SEA Games noong 2009 ang siya niyang sinasandalan para pangunahan ang koponang ipadadala sa Indonesia.

Ang mga gold me­da­­list sa 2009 SEAG na magdodomina uli ay sina Marestella Torres (long jump), Rosie Villarito (ja­velin throw), Arniel Ferrera (hammer throw), Rene He­rrera (3000m steeplechase), Danilo Fresnido (ja­velin throw) at Eduardo Buenavista (marathon).

Si Jho-An Banayag na nanalo sa women’s ma­rathon ay dadaan sa butas ng karayom ani Go, dahil sa pagkakaroon ng Super woman ang Indonesia na malakas sa 5000m, 10000m at marathon events.

Si Sunang na nanalo ng bronze medal sa 2007 Thailand SEAG sa paboritong shotput ay sinasabing palaban din sa ginto matapos gumawa ng 16.56m Philippine record nang kunin ang ginto sa Vietnam.

Ang 20-anyos na si Espinosa ay nanalo naman ng pilak sa long jump sa Vietnam nang makalundag ng 7.42m upang sundan si Henry Dagmil habang bronze ang nakuha ni Cid sa 400m hurdles.

ARNIEL FERRERA

DANILO FRESNIDO

EDUARDO BUENAVISTA

GO TENG KOK

HENRY DAGMIL

MARESTELLA TORRES

RENE HE

ROSIE VILLARITO

SHY

SI JHO-AN BANAYAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with