^

PSN Palaro

Olympians dinurog ang Titans

-

MANILA, Philippines - Ipinamalas ng runner-up noong nakaraang taong STI Colleges ang kanilang mabangis na performance matapos talunin ang mahigpit na karibal na AMA Computer University, 80-51 at ilista ang kanilang ikalawang dikit na panalo sa 20111 NAASCU men’s basketball tournament sa STI gym sa Global City, Taguig.

Tumapos si Cedric Ablaza ng 17 puntos upang banderahan ang Olympians, naunang nanalo sa defending champion University of Manila, 90-84.

Nagdagdag si Hessed Gabo 14 puntos at 10 naman ang kay Ivan Moreno parasa Olympians na hindi man lang pinaporma ang Titans.

Nakisalo naman sa tagumpay ang Informatics Computer Colleges na ginapi ang City University of Pasay, 94-75 at ang Our Lady of Fatima University na hiniya ang bagitong Trace College-Los Baños, 80-51.

Sumandig ang Icons kay Mark Montuano.

Samantala, kumuha ng mahusay na performance ang AntipoloCity-based Phoenix na ginagabayan ni dating RP team mainstay na ngayon ay coach na si Rensy Bajar kina Jaynard Rivera tumapos ng 16 puntos at James Jacinto na may 12 puntos upang ilista ang kanilang unang panalo sa ligang ito na inorganisa ni NAASCU president Dr. Jay Adalem ng host school St. Clare College-Caloocan.

vuukle comment

CEDRIC ABLAZA

CITY UNIVERSITY OF PASAY

COMPUTER UNIVERSITY

DR. JAY ADALEM

FATIMA UNIVERSITY

GLOBAL CITY

HESSED GABO

INFORMATICS COMPUTER COLLEGES

IVAN MORENO

JAMES JACINTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with