^

PSN Palaro

Paeng, Liza babandera sa National Finals

-

MANILA, Philippines - Balikatan ang mangya­yaring tagisan para sa National Finals ng 2011 World Cup elimination.

Ito’y dahil ang mga ti­ni­­ti­ngala sa larangan ng Philippine bowling ay naka­sama sa 71 male at female bowlers na nakausad sa National Finals matapos ang naunang qualifying event sa 14 centers mula sa Metro Manila at ibang probinsya.

Nanguna sa kalalakihan si six-time world champion Paeng Nepomuceno nang gumawa ito ng 2693 pins sa 12 games sa Coronado lanes.

Sina Raoul Miranda (2820), Eric Aranez (1298) at Mar Serac (2487) ang iba pang nakasama ni Nepomuceno na umusad mula sa kanilang qualifying tournament.

Si Liza Del Rosario naman ang nanguna sa kaba­baihan sa kanyang 1934 sa 10 games na ginawa sa Bowling Inn. Nakasama ni Del Rosario na umabante sina Liza Clutario (1872) at Sol Bagalay (1794).

 Ang iba pang kilalang male bowlers pumasok ay sina Chester King na may 2393 sa Paeng’s Mid­­town Bowl; Garry Cus­­todio (2287), Benshir Layoso (2277) at Paulo Valdez (2789) sa Astrobowl; Joonee Gatchalian at Jong Enriquez na may 2921 at 2472 sa SM North Edsa; Lara Posadas (1956) sa Paeng’s Midtown, Apple Posadas (1871) at Krizziah Tabora (1720) sa Commonwealth.

Sina Asian Games gold medalist Biboy Rivera at Bong Coo ay sasali naman sa ikalawang qualifying period na magtatapos sa unang linggo ng Setyembre.

Ang national finals ay itinakda sa Setyembre 17 at 18 sa Coronado Lanes (Starlanes), Setyembre 20 at 21 sa Paeng’s Midtown at Setyembre 23 sa SM Mall of Asia.

Ang tatanghaling kam­peon ay kakatawanin ang Pilipinas sa 47th BWC international finals mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 7 sa Northcliff Bowling Center sa Johannesburg, South Africa.

APPLE POSADAS

BENSHIR LAYOSO

BIBOY RIVERA

BONG COO

BOWLING INN

CHESTER KING

NATIONAL FINALS

PAENG

SETYEMBRE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with