SSC Belles inagaw ang liderato
MANILA, Philippines - Inangkin ng San Sebastian College ang liderato matapos talunin ang Ateneo De Manila University, 24-26, 25-21, 25-16, 24-10, sa Shakey’s V-League Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan.
May 3-1 baraha ngayon ang San Sebastian kasunod ang Philippine Army (2-0), Ateneo (2-2), Air Force (2-2), Navy (1-2), Maynilad (1-1) at Perpetual Help (0-4).
Humataw si American Lauren Ford ng isang 27-hit performance, tampok rito ang 23 kills para sa Lady Stags, habang may 22 attacks naman si Thai import Jang Baulee.
Ang atake ni Baulee sa dulo ng third set ang bumutas sa depensa ng Lady Eagles patungo sa kanilang tagumpay.
Nauna rito, nagpakatatag ang Phiippine Air Force sa fifth set upang makuha ang 15-25, 25-22, 25-17, 22-25, 15-9, panalo sa Perpetual Help.
Kumulekta ng 25 hits si Aiza Maizo kasama ang 22 attack points, habang si Cherry Rose Macatangay ay naghatid pa ng 18 para tulungan ang Air Force na makuha ang ikalawang sunod na panalo matapos buksan ang kampanya sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza.
Ang larong Air Force at Perpetual ay mapapanood ngayong alas-2 ng hapon sa NBN-4 at sa GMA-7 international channels na GMA Pinoy TV, GMA Life TV at GMA News TV. (RC)
- Latest
- Trending