INCHEON, South Korea--Ibinangon ni 2010 Guangzhou Asian Games gold medalist Rey Saludar ang kampanya ng PLDT-ABAP national team matapos talunin si Pakistani Waseem Muhammad, 26-20, patungo sa semifinal round ng Asian Men’s Boxing Championships dito sa Dowon Sports Arena.
Ang panalo ang tumiyak kay Saludar ng bronze medal sa flyweight division.
Tanging si Saludar na lamang ang natitirang lalaban para sa bansa sa naturang torneo matapos mabigo sina bantamweight Joan Tipon at featherweight Wilfredo Lopez sa kani-kanilang kalaban.
Sa kabila nito, nananatiling kumpiyansa pa rin ang ABAP na mananalo si Rey Saludar sa kanyang laban sa semifinals papunta sa gold medal round.
Natalo si Tipon, ang gold medal winner sa 2006 Doha Asiad kay Korean Lee Jin Young, 5-10, saman- talang yumukod naman si Lopez kay Chinese Qion Maimaitue, 8-21.
Nauna nang napatalsik sa kani-kanilang dibisyon sina Charly Suarez at Rolando Tacuyan sa first round.
Hindi naman nakasama si light flyweight Victorio Saludar bunga ng kanyang hand injury tatlong araw bago ang kanilang pag-alis.