PBA Player of the Week si Arwind
MANILA, Philippines - Dalawang sunod na panalo ang itinala ng Boos¬ters, kasama na ang dramatikong 89-88 paglusot laban sa Tropang texters sa Game One ng 2011 PBA Governors Cup Finals.
At sa likod ng mga pa¬nalo ng Petron Blaze ay ang kabayanihan ni Arwind Santos.
Kaya ang 6-foot-6 forward ang nap¬iling Accel-PBA Press Corps’ Player of the Week.
“Mahihirapan kaming marating ang kinalalagyan namin ngayon kung hindi sa napakalaking tulong ni Arwind,” sabi ni Petron coach Ato Agustin sa dating shooting forward na naging power forward bunga ng injury nina 6’7 Jay Wa¬shington at 6’6 rookie Rabeh Al-Hussaini.
“Masaya talaga ako para sa kanya dahil deser¬ving talaga siya for the citation,” dagdag pa ni Agustin kay Santos.
Sa mga tagumpay ng Petron Blaze laban sa B-Meg at Talk ‘N Text, nagposte ang tubong Angeles City ng mga averages na 20.5 points, 14.5 rebounds, 1.5 blocked shots, 1.0 assist at 1.0 steal.
Sa kabuuan, naglista si Santos ng mga avera¬ges na 16.7 points, 14.5 rebounds, 11.1 assists, 11.1 steals at 1.7 blocked shots patungo sa kanilang best-of-seven championship series ng Tropang Texters.
Hangad ng dating Far Eas¬tern University star na makopo ang kanyang unang Best Player of the Con¬ference award.
- Latest
- Trending