^

PSN Palaro

3 gold na sa Dragon Warriors

-

MANILA, Philippines - Patuloy ang pagpapakitang-gilas ng Cobra Philippine Dragon Boat team matapos angkinin ang kanilang ikatlong gold medal nang magkampeon sa premier 200-meter mixed event ng 10th International Dragon Boat World Championships sa Tampa, Florida.

Ipinoste ng mga ‘Dragon Warriors’ ang tiyempong 57:07 segundo para iwanan ang mga koponan ng Trinidad and Tobago, Puerto Rico at Italy.

Ang kanilang pangatlong gintong medalya ay nanggaling sa kanilang paghahari sa men’s 200 meter small boat event .

Nauna nang nakopo ng mga paddlers ang una nilang gold medal sa premier 1,000m (small boat) event. 

Hindi naman nakasali ang 2007 at 2009 World champions sa standard boat races na may 22 paddlers dahilan sa kawalan ng suporta mula sa Philippine Sports Commission (PSC).

Minaliit ni POC official Mark Joseph ng swimming ang tagumpay ng ‘Dragon Warriors’. Ngunit kaagad naman siyang inulan ng kritisismo sa Twitter at Facebook mula sa mga sumusuporta sa grupo.

DRAGON BOAT

DRAGON BOAT WORLD CHAMPIONSHIPS

DRAGON WARRIORS

FACEBOOK

IPINOSTE

MARK JOSEPH

MINALIIT

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PUERTO RICO

TRINIDAD AND TOBAGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with