Gilas hiniya ang Iran

Chinese Taipei--Tinalo ng Smart Gilas Pilipinas ang defending back-to-back cham­pion Iran, 73-59, sa pagsisimula ng William Jones Cup kagabi dito sa Hsinchuang Stadium sa New Taipei City.

Nagposte si 6-foot-11 naturalized Marcus Douthit ng 24 points para sa Natio­nals ni Serbian coach Rajko Toroman, habang humakot naman si 7’2 Memphis Grizzlies big man Hamed Haddadi ng 25 points para sa Iranians.

Ang Iran ang iginiya ni Toroman sa kampeonato ng 2007 FIBA-Asia Championship sa Tokushima, Japan.

Binago ng mga organi­zers ang schedule at tournament format matapops ang biglaang pag-atras ng South Africa.

Makakalaban sana ng mga Filipino ang mga Jordanians, nagkampeon sa torneo noong 2007 hanggang 2008,para sa kanilang unang laro.

Sa iba pang laro, tinalo ng Jordan ang United Arab Emirates, 91-72, habang iginupo ng South Korea ang Malaysia, 110-50.

Show comments