MANILA, Philippines - Naisulong ng Ateneo ang malinis na karta sa 6-0 na nasabayan ng pagpapasikat ng University of the Philippines nang silatin nila ang mas pinaborang FEU na nangyari kahapon sa 74th UAAP men’s basketball sa Araneta Coliseum.
Humugot ng magandang paglalaro ang Eagles mula sa kanilang bench players na nasabayan din ng magandang running game tungo sa pagdagit ng 66-53 panalo sa UST.
May 18 puntos, 5 rebounds, 6 assists at 1 steals si Kiefer Ravena habang 14 puntos at 9 boards naman ang hatid ni Nico Salva ngunit malaking bagay ang pinagsamang 15 puntos nina Luis Gonzaga at Raymund Austria para ma-outscore ng bench ng Eagles ang Tigers 20-8.
“Luis and Bacon played very well and gave us a lift from the bench. But what also help us win this game is our fastbreak. We scored 26 points and if we can get our running game going, we have better chances of winning,” paliwanag ni coach Norman Black.
Tatlong puntos lamang ang nakuha ng UST sa fast breaks habang talunan din sila sa turnover points, 6-14, upang malaglag ang tropa ni coach Alfredo Jarencio sa ikatlong sunod na kabiguan matapos ang 2-0 start.
Tinabunan naman ang panalong ito ng Eagles ng panggugulat ng Maroons matapos iuwi ang 76-63 panalo sa wala sa pormang Tamaraws.
Unang panalo ito ng UP sa FEU sapul nang kunin ang 61-56 tagumpay noon pang Agosto 28, 2004 at nangyari ito dahil sa pagtutulungan nina Jose Manuel, Michael Silungan, Anjelo Montecastro at Ifeany Mbah na may pinagsamang 64 puntos.
Si Manuel na nasa ikalawang taon ng paglalaro sa liga, ang nanguna sa kanyang 20 puntos at 18 rito ay ibinagsak sa second half para tuluyang iwanan ang Tamaraws na nalaglag sa 4-2 baraha.
Ikalawang panalo ito ng Maroons sa limang laro.
UP 76--Manuel 20, Silungan 16, Montecastro 14, Mbah 14, Gamboa 3, Romero 2, Maniego 2, Juruena 2, Gingerich 2, Wong 1, Wierzba 0.
FEU 63--Garcia 17, Ramos 13, Tolomia 12, Bringas 8, Romeo 6, Escoto 2, Knuttel 2, Exciminiano 2, Cruz 1.
Quarterscores: 12-12, 28-25, 51-42, 76-63.
Ateneo 66--Ravena 18, Salva 14, Gonzaga 8, Austria 7, Slaughter 6, Long 6, Sumalinog 2, Monfort 2, Chua 2, Golla 1, Erram 0, Tiongson 0.
UST 53--Fortuna 18, Teng 12, Ferrer 6, Pe 6, Camus 5, Abdul 4, Afuang 2, Vigil 0, Tan 0, Sheriff 0, Lo 0, Ungria 0.
Quarterscores: 10-11, 29-20, 47-34, 66-53.