^

PSN Palaro

Marquez mas matindi ang ilalabas na laban vs Pacquiao

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines -  Inamin ni Alex Ariza, ang strength and conditioning coach ni Manny Pacquiao, magiging personal ang pangatlong pakikipagharap ng Filipino world eight-division champion kay Juan Manuel Marquez sa Nobyembre 12.

Matatandaang sinabi ni Marquez na siya ang parehong nanalo sa kani­lang dalawang pagtatagpo ni Pacquiao noong 2004 at 2008.

“This is the fight that Freddie (Roach) and I have wanted for a long time now. Marquez is always complaining and whining about it but he priced himself out of it so many times that it never really happened,” ani Ariza. “”Finally they got it done and now it’s time to put up or shut up.”

Sa kabila ng tatlong beses na pagbagsak sa first round, isang draw ang naitakas ni Marquez sa kanilang unang paghaharap ni Pacquiao noong 2004.

Inagaw naman ni Pacquiao ang dating suot na WBC super featherweight belt ni Marquez mula sa isang split decision sa kani­lang rematch noong 2008.

Idedepensa ni Pacquiao, may 53-3-2 win-loss-draw ring record kasama ang 38 KOs, ang kanyang WBO welterweight belt kontra kay Marquez (53-5-1, 39 KOs) sa Nobyembre 12 sa MGM Grand sa Las Vegas.

Ayon kay Ariza, inaasahan niyang mas magiging matindi ang ipapakita ni Marquez sa kanilang ‘trilogy’ ni Pacquiao.

“He comes to fight, he got a style, he’s a competitor, and he won’t run no matter how tough the going gets,” wika ni Ariza sa 38-anyos na si Marquez, ang kasalukuyang world lightweight titlist. “He’s there to put on a show.”

Hindi rin ikinaila ni Ariza na dati siyang masugid na tagahanga ng Mexican warrior.

“I used to be a fan of Marquez and I still am, as far as watching him fight. For me, it’s very exciting because we get to prepare for somebody who’s going to show up for the fight,” sabi ni Ariza.

ALEX ARIZA

ARIZA

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

MARQUEZ

MARQUEZ AND I

NOBYEMBRE

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with