^

PSN Palaro

Gadi, Vivas muling maghaharap para sa titulo ng PBaRS

-

MANILA, Philippines - Kapwa humataw sina Antonino Gadi at Paul Vivas ng impresibong panalo at isaayos ang kanilang ikalawang sunod na pag­ha­harap para sa men’s Open singles crown sa MVP Sports Foundation-Bingo Bonanza Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) tournament sa Davao kahapon.

Ipinakita ni Gadi ang kanyang pagiging top seed nang kanyang pigilan ang mahigpit na labang ibinigay ng No. 4 na si Peter Magnaye sa first set, bago niya kinumpleto ang 21-19, 21-7 panalo at makarating sa finals ng men’s event kontra kay Vivas sa Wheels N More badminton courts.

Nakarating si Vivas sa finals ng walang kahirap-hirap matapos manalo sa bisa ng walkover kontra Joper Escueta, na nagretiro sanhi ng pagkakaroon ng cramps sa third set sa kanilang laban ni Rabie Jason Oba-ob sa U-19 quarters nitong Lunes.

Tinalo ni Gadi si Vivas, 21-17, 16-21, 21-12 sa Bacolod leg finals, gayunpaman, gigil na makabalik ang una bilang nangungunang manlalaro ng bansa sa third leg ng nationwide circuit na inorganisa at isinasagawa ng Philippine Badminton Association sa ilalim ni Vice President at PBA president Jejomar Binay, Rep. Albee Benitez at businessman-sportsman Manny V. Pangi­linan.

Sinelyuhan naman nina Gelita Castilo at Bianca Car­los ang kanilang pag­ha­harap para sa women’s Open singles title matapos manalo sa semis.

Sinibak ni Castilo si Bian­ca Legaspi, 21-10, 21-10 habang pinatalsik naman ni Carlos si Fatima Cruz, 21-6, 21-15.

Samantala, umusad si Oba-ob sa finals ng boy’s U-19 matapos manalo kay Jeffrey Foronda, 21-16, 21-16 kontra 2nd seed Wilbert Natividad ng GSF, na lumu­sot naman kay Kevin Cu­diamat, 21-19, 21-13.

ALBEE BENITEZ

ANTONINO GADI

BIANCA CAR

FATIMA CRUZ

GELITA CASTILO

JEFFREY FORONDA

JEJOMAR BINAY

JOPER ESCUETA

KEVIN CU

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with