7-foot-2 na si Haddadi maglalaro para sa Iran sa R.W. Jones Cup
MANILA, Philippines - Magkakaroon ng tsansa ang Smart Gilas Pilipinas na makita kung anong lakas mayroon ang 7-foot-2 na si Hamed Haddadi ng Memphis Grizzlies sa inaasahang paglalaro nito para sa Iran sa R. William Jones Cup na nakatakda sa Agosto 6-14 sa Chinese Taipei.
"Yes he is playing in the Jones Cup, we'll have a chance to play against him," wika ni Smart Gilas coach Rajko Toroman kay Haddadi.
Makakatapat ng Nationals si Haddadi at ang Iran, ang two-time Asian champions, sa nasabing nine-day tournament.
Matapos ang Jones Cup ay sasabak naman ang Smart Gilas ni Toroman sa FIBA-Asia Men’s Championship sa Setyembre 15-25 sa Wuhan, China.
Unang makakatapat ng Smart Gilas ang Asian powerhouse na Jordan sa Agosto 6 kasunod ang United Arab Emirates sa Agosto 7 sa single-round robin format.
Sa Agosto 9 makakalaban ng Smart Gilas ang South Korea, ang South Africa sa Agosto 10, ang Japan sa Agosto 11, ang Malaysia sa Agosto 12, ang host Chinese-Taipei sa Agosto 13 at ang Iran sa Agosto 14.
Sa pagkakaroon ng NBA lockout, maaari ring maglaro si Haddadi para sa Iran sa FIBA-Asia sa uhan na siyang qualifying event patungo sa 2012 Olympic Games sa London.
"He will play there too," sambit ni Toroman kay Haddadi.
Samantala, hindi naman makikita si Fadi El Khatib para sa Lebanon sa FIBA-Asia Championship matapos magretiro sa national team.
Maglalaro ang mga Lebanese sa Wuhan matapos magkampeon sa 3rd FIBA-Asia Stankovic Cup noong nakaraang taon.
Ipaparada ng Smart Gilas sina 6’11 naturalized Marcus Douthit, Asi Taulava ng Meralco at Dondon Hontiveros ng Air21 kasama sina team captain Chris Tiu, Mark Barroca, JV Casio, Japeth Aguilar, Marcio Lassiter, Chris Lutz, Mac Baracael, Dylan Ababou at Jason Ballesteros.
- Latest
- Trending