MANILA, Philippines - Lumabas ang mahalagang shooting ni Denice Villamor para tulungan ang National University na wakasan ang tatlong sunod na kabiguan mula sa 63-56 panalo sa Adamson sa 74th UAAP men’s basketball kahapon sa Philsports Arena, Pasig City.
Nagpakawala ng walo sa kabuuang 11 sa laro si Villamor upang makahulagpos ang Bulldogs at mailista ang ikalawang panalo (2-4).
Angat ang Falcons sa 52-47 nang palakarin ng NU ang 8-0 bomba, kasama ang tig-isang tres nina Villamor at Angelo Alolino para sa 55-52 kalamangan.
Gumanti ng tres si Jasper Cabrera para itabla ang iskor sa 55-all pero humirit ng jumper si Villamor at matapos ang sablay na attempt ng Adamson ay bumanat muli ng tres para sa 60-55 kalamangan, 23.9 segundo sa orasan.
Sumandal naman ang La Salle sa nagbabagang laro sa ikalawang yugto para maiwanan ang UE sa 87-63 panalo.
Pamatay na 28-7 bomba ang ginamit ng Green Archers para kunin ang 45-26 bentahe sa halftime at maitala ang ikatlong sunod na panalo sa limang laro.
NU 63 - Mbe 16, Villamor 11, Alolino 10, Parks 7, Singh 6, Labing-isa 5, Celiz 4, Ignacio 4, Neypes 0, Khobuntin 0
Adamson 56 - Nuyles 15, Camson 13, Canada 7, Lozada 6, Alvarez 6, Cabrera 3, Petilos 2, Brondial 2, Colina 2, Manyara 0, Etrone 0
Quarterscores: 10-20; 26-32; 43-46; 63-56.