^

PSN Palaro

Mas matinding aksyon sa 7th leg ng National Motocross Series sa Cavite

- Ni Robbie M. Pangilinan -

MANILA, Philippines - Mas magiging mabigat ang prestihiyosong motocross sa pagsali ng ilang artista at pulitiko sa 7th Leg ng 2011 Enersel Forte Philip­pine National Motocross Series sa Agosto 6 at 7 sa Molino 3, Cavite City.

Inaasahang dadalo si Cavite Gov. Gilbert Remulla sa motocross event na sasabayan din ng 8th Leg ng CEO JYL Motocross Invitational Cup para sa pagdiriwang ng ika-43 kaarawan ng CEO ng SEL-J Sports na si Jay Y. Lacnit.

Si Asian Rider of the Year na si Glenn Aguilar ang babandera sa Pro Open category kung saan siya nagwagi tungo sa ika­anim na leg ng motocross series sa Brooke’s Point, Palawan.

Muntik nang masungkit ni Bornok Mangosong ang titulo kay Aguilar ngunit natapos lamang na pang-apat, kasunod nina Kimboy Pineda at Ambo Yapparcon. Ang Golden Wheel awardee na si Donark Yuzon ay pang-anim.

Dinomina ng pangulo ng SEL-J Sports na si Jay Lacnit ang kategoryang Executive C habang ang trai­ner ni Manny Pacquiao na si Buboy Fernandez ay sumunod sa kanya.

Sa kategoryang Executive B, ikatlo si Fernandez at ikalima si Lacnit.

Ang ikapitong yugto ng serye ay mapapanood sa programa ng SEL-J Sports sa telebisyon sa Studio 23.

AMBO YAPPARCON

ANG GOLDEN WHEEL

BORNOK MANGOSONG

BUBOY FERNANDEZ

CAVITE CITY

CAVITE GOV

DONARK YUZON

ENERSEL FORTE PHILIP

EXECUTIVE B

J SPORTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with