MANILA, Philippines - Humigit-kumulang sa 33,700 runners ang itatampok sa paglarga ng 35th National MILO Marathon sa Metro Manila qualifying leg ngayong umaga sa SM Mall of Asia grounds sa Pasay City.
Kasama sa mga top runners ay sina Eric Panique, Regie Lumauag, Carlito Fantilaga, Dennis Bacolor at Darwin Lim.
Makakasabayan nila ang mga bigating Kenyans para sa P50,000 top purse at pagkakataong makatakbo sa National Finals na nakatakda sa Disyembre 11 sa Quirino Grandstand sa Luneta Park, Manila.
Ang runner-up sa men at women’s elite division ay tatanggap ng premyong P30,000, habang ang tetersera ay makakakuha ng P20,000.
Si Metro Manila eliminations second placer Willy Tanui ng Kenya ang mangunguna sa karera bukod pa kina Rudy Tikiko, James Tallam, Banjamin Kipkazi at Geoffrey Kiprotich.
Pamumunuan naman ni two-time Milo Marathon queen Jho-Ann Banayag ang elite female runners kasama sina Luisa Raterta at Ailene Tolentino na makikipagsabayan kina Kenyans Susan Jemutai at Peris Poywo.
Ang Manila race ay inorganisa ng RunRio Inc.