^

PSN Palaro

Milo Marathon MM elims larga ngayon

-

MANILA, Philippines - Humigit-kumulang sa 33,700 runners ang itatampok sa paglarga ng 35th National MILO Marathon sa Metro Manila qualifying leg ngayong umaga sa SM Mall of Asia grounds sa Pasay City.

Kasama sa mga top run­ners ay sina Eric Panique, Regie Lumauag, Carlito Fantilaga, Dennis Ba­color at Darwin Lim.

Makakasabayan nila ang mga bigating Kenyans para sa P50,000 top purse at pagkakataong maka­takbo sa National Finals na nakatakda sa Disyembre 11 sa Quirino Grandstand sa Luneta Park, Manila.

Ang runner-up sa men at women’s elite division ay tatanggap ng premyong P30,000, habang ang te­tersera ay makakakuha ng P20,000.

Si Metro Manila eliminations second placer Willy Tanui ng Kenya ang mangu­nguna sa karera bukod pa kina Rudy Tikiko, James Tallam, Banjamin Kipkazi at Geoffrey Kiprotich.

Pamumunuan naman ni two-time Milo Marathon queen Jho-Ann Banayag ang elite female runners kasama sina Luisa Raterta at Ailene Tolentino na makikipagsabayan kina Kenyans Susan Jemutai at Peris Poywo.

Ang Manila race ay inor­ganisa ng RunRio Inc.

AILENE TOLENTINO

ANG MANILA

BANJAMIN KIPKAZI

CARLITO FANTILAGA

DARWIN LIM

DENNIS BA

ERIC PANIQUE

GEOFFREY KIPROTICH

JAMES TALLAM

JHO-ANN BANAYAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with