Hawks nasilat sa Olympians
MANILA, Philippines - Mainit na binuksan ng nakaraang taong runner-up STI Colleges ang kanilang kampanya sa paglista ng 90-72 panalo laban sa defending champion University of Manila sa pagbubukas ng 11th NAASCU (National Athletic Association of Schools and Universities) basketball championships sa punung-punong Makati Coliseum kahapon.
Hawak ni coach Vic Ycasiano, sumandig ang Olympians sa beteranong si Maclean Sabellina upang ipalasap sa Hawks angkanilang matinding paghihiganti mula sa natamong kabiguan noong nakaraang taon para sa korona.
Tumapos ang 6’5 na si Sabellina ng 23 puntos, bukod ang tatlong dunks at 12 rebounds para sa STI.
Naging panauhin sina Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) executive director Sonny Barrios, PBA commissioner Chito Salud at MVP Sports Foundation head Al Panlilio na mainit namang tinanggap ni NAASCU president Dr. Ernesto Jay Adalem of host St. Clare College-Caloocan ang mga panauhin sa opening ceremony.
- Latest
- Trending