Azkals marami pang sasalihang torneo

MANILA, Philippines - Bagamat natalo sa mas matinik na Al-Azraq ng Ku­wait sa second round ng 2014 FIFA World Cup Asian Qualifiers, marami pa ring sasalihang torneo ang Philippine Azkals nga­yong taon.

Ito ang inihayag ni Philippine Football Federation (PFF) president Mariano ‘Nonong’ Araneta sa mga torneong lalahukan ng Azkals.

Sasabak ang Azkals ni German coach Michael Weiss sa isang four-team Long Teng Cup tournament sa Taiwan sa Setyembre kung saan nila makakaharap ang Hong Kong, Macau at Taiwan.

Isang four-nation invitational meet naman ang idaraos ng PFF sa Oktubre kasama ang Malaysia at Singapore. Hinihintay pa kung sino sa Thailand at Vietnam ang uupo sa pang apat na posisyon.

Sasanayin ni Weiss ang Under-23 football team, kabilang ang ilang miyembro ng Azkals, para sa men’s football competition ng 26th Southeast Asian Games sa Indonesia sa Nobyembre 11-22.

Show comments