^

PSN Palaro

Pacquiao-Marquez press tour sa Manila kasado na

- Ni RCadayona -

MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ni Bob Arum ng Top Rank Promotions ang pagdaraos niya ng promotional tour sa Pilipinas sa Setyembre 3 para sa 'trilogy' nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez sa Nobyembre 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Neveda.

Ayon kay Arum, naki­pag-usap na siya sa ilang opisyales sa bansa para sa malaking rally na kanilang ihahanda sa natu­rang petsa kung saan ma­kakasama ni Pacquiao sa parada at press conference si Marquez.

“I was on the phone with officials in the Philippines last night, and they're getting set for the monster rally there on Saturday, Sept. 3,” wika ni Arum.

Nakatakdang itaya ni Pacquiao, may 53-3-2 win-loss-draw ring record kasama ang 38 KOs, ang kanyang WBO welterweight crown laban kay Marquez (53-5-1, 39 KOs) sa Nobyembre 12 sa MGM Grand sa Las Vegas.

Ito ang pangatlong pagkakataon na maghaharap ang 32-anyos na si Pacquiao at ang 38-anyos na si Marquez matapos noong Mayo ng 2004 at Hunyo ng 2008.

Isang draw ang inilusot ni Marquez sa kabila ng tatlong beses na pagbagsak sa first round sa kanilang unang pagkikita ni Pacquiao noong 2004, habang umiskor si 'Pacman' ng isang split decision upang agawin kay 'El Dinamita' ang hawak nitong WBC super featherweight title no­ong 2008.

AYON

BOB ARUM

EL DINAMITA

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

MARQUEZ

NOBYEMBRE

PACQUIAO

TOP RANK PROMOTIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with