MANILA, Philippines - Matapos mapahirapan, umaasa si San Beda coach Frankie Lim na maniniwala na ang kanyang alipores hindi basta-basta matatalo ang mga makakatunggali sa 87th NCAA men’s basketball.
“Ako lang ata ang naniniwala na hindi madali ang laban sa ligang ito. They were playing with fire and we almost got burned,” wika ni Lim patungkol sa 79-78 katiting na panalo laban sa St. Benilde nitong Biyernes.
Kalaban ngayon ng Lions ang Emilio Aguinaldo College sa ganap na alas-2 ng hapon sa The Arena sa San Juan City at kung mananalo ay makakasalo uli sila sa pahingang San Sebastian sa 5-0 karta.
Isa sa nais niyang makitaan ng solidong laro ay si David Marcelo na naghahatid lamang ng 7.5 puntos, 9 rebounds at 2 blocks.
Sisikapin naman ng host University of Perpetual Help Dalta System na sakyan ang mahalagang unang panalo sa pagbangga sa Blazers dakong alas-4 ng hapon.