^

PSN Palaro

Falcons sumalo uli sa 2nd; Archers pinana ang Bulldogs

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Nagising ang La Salle sa mahabang pagkakatulog upang masawata ang pagkulapso sa kinuhang 74-63 panalo sa National University sa pagpapatuloy ng 74th UAAP men’s bas­ketball kahapon sa Phil­sports Arena sa Pasig City.

Inakala na tatambakan nang husto ng Archers ang Bulldogs nang mahawakan ang 59-36 sa halftime ngunit dalawang free throws at 0-of-15 ang naging simula ng koponan sa second half para makadikit ang katunggali sa 61-54.

Ngunit magkasunod na buslo ni Jaerlan Tampus, may apat din si LA Revil­la habang isang tres ang pinakawalan ni Luigi Dela Paz para ilayo na ang tropa ni coach Dindo Pumaren sa 74-60.

“We just keep on playing despite missing out shots,” wika ni Revilla na siyang bumandera sa koponan sa naitalang 19 puntos, 5 rebounds at 6 assists para sa ikalawang sunod na panalo at 2-2 karta ng Archers.

Si Glenn Khobuntin ay may career high 21 puntos at 7 rebounds habang si Bobby Ray Parks Jr. ay tumapos taglay ang 13 puntos, 5 rebounds at 3 steals pero hindi nila napigil ang paglaglag ng NU sa ikatlong sunod na pagkatalo tungo sa 1-4 baraha.

Walang humpay na laro ang ipinakita ng Adamson upang durugin ang UE, 85-54, sa unang labanan.

Ikatlong sunod na pa­nalo ito ng Falcons para makasalo ang pahingang FEU sa ikalawang puwesto sa 3-1 baraha.

ADAMSON

BOBBY RAY PARKS JR.

DINDO PUMAREN

IKATLONG

JAERLAN TAMPUS

LA SALLE

LUIGI DELA PAZ

NATIONAL UNIVERSITY

PASIG CITY

SI GLENN KHOBUNTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with